Slaughter bomalabs na sa quarterfinals

Slaughter bomalabs na sa quarterfinals

‘DI pa maigalaw nang maayos ni Greg Slaughter ang dislocated right thumb, pero unti-unti nang naibabalik ni coach Tim Cone ang ibang injured players niyang sina Joe Devance at Jared Dillinger.

slaughter bomalabs na sa quarterfinals - Slaughter bomalabs na sa quarterfinals
greg 4 - Slaughter bomalabs na sa quarterfinals

‘DI pa maigalaw nang maayos ni Greg Slaughter ang dislocated right thumb, pero unti-unti nang naibabalik ni coach Tim Cone ang ibang injured players niyang sina Joe Devance at Jared Dillinger.

Ayon kay Cone, may “significant swelling” pa sa daliri ni Slaughter na nakuha sa praktis ng team.

“He can’t grip anything at this point, he can’t wrap his hand around anything,” balita ng coach. “He still got a long ways to go.”
Matatagalan bago makabalik ang 7-foot slotman, ‘di pa sigurado kung makakalaro sa playoffs ng PBA Governors Cup.

Pinaghahandaan ng Gin Kings ang pagkawala pa ni Slaughter, ipinasok ni Cone sina Devance at Dillinger sa 113-90 win nila kontra Columbian ­nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Sa 7-3 ay nasa third place ng standings ang Gins, tinapos ang eliminations laban sa NorthPort kagabi.

Ipinasok si Dillinger sa 5:08 mark ng fourth, tumagal ng 3 minutes, 10 seconds at 0 of 1 mula sa field, may 2 rebounds at isang turnover. ­Sigurado na sa top four ang Ginebra at twice-to-beat sa ­quarterfinals.

Sapul nang makuha mula Meralco noong ­Hunyo, ‘di naglaro sa Gins si Dillinger habang ­nagpapagaling ng foot injury.

Si Devance na galing din sa foot injury mula sa pagtatapos ng Commissioner’s Cup ay tumagal ng 4:43 sa loob, hindi rin pumasok ang nag-iisang ­attempt at kumalawit ng isang rebound.

“It’s nice to see Joe out there, giving us a few minutes. He just wanna get his feet wet,” dagdag ni Cone.

Si Dillinger daw mismo ang lumapit sa coach, nagsabing gusto niyang subukang lumaro.

“It was just an opportunity to get them out there, get the feel of the game,” paliwanag ni Cone. “You’ll never know, maybe they can make an impact in the playoffs.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *