Sky Candy namayagpag

Walang kupas ang husay ni Sky Candy na sinakyan ni class A rider JA Guce kahit matagal na natengga para dominahin ang PHILRACOM-RBHS Class 3 nitong Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Sky Candy namayagpag first appeared on Abante.

sky candy namayagpag - Sky Candy namayagpag
Karera 3 - Sky Candy namayagpag

Walang kupas ang husay ni Sky Candy na sinakyan ni class A rider JA Guce kahit matagal na natengga para dominahin ang PHILRACOM-RBHS Class 3 nitong Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sinunggaban agad ni Sky Candy ang unahan sa largahan, papasok ng far turn, nagpumilit sina Refuse To Lose at Kaka And Bachi na kumuha ng unahan pero hindi ito binigay ng winning horse, at kabigin ng may ari sa kanya ang P20,000 cash prize mula sa Philippine Racing Commission.

“Iba talaga ang galing ni Sky Candy pang stakes race, kahit matagal nabakasyon hindi nagbago ang performance,” masayang pahayag ni Peter Gallardo, isang karerista na taga-Carmona. Sumegundo si Two Timer, tumersero si Refuse To Lose habang pumang-apat si Kaka And Bachi sa unang karera sa SLLP sapul nang mahinto noong Marso dahil sa coronavirus. (Elech Dawa)

The post Sky Candy namayagpag first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *