Sky Candy markado

PITONG matitikas na kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 2020 Philracom 1st Leg 3YO Imported/Local Challenge ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Sky Candy markado first appeared on Abante.

sky candy markado - Sky Candy markado
abante horse 2 - Sky Candy markado

PITONG matitikas na kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 2020 Philracom 1st Leg 3YO Imported/Local Challenge ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Inaasahang bebenta sa takilya ang kalahok na si Sky Candy sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Mapapalaban si Sky Candy sa ibang tigasing kalahok tulad nina Indy Bell at In The Zone.

Ang ibang kasali ay sina Tony’s Love, American Factor, Spuntastic at Wish Afan A Star.

Rerendahan ni class A rider JA Guce si Sky Candy habang si star jockey Jonathan Hernandez ang gagabay kay Indy Bell.

May distansyang 1,600 metro, nakalaan ang P600,000 para sa owner ng unang kabayong tatawid sa meta. (Elech Dawa)

The post Sky Candy markado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *