Simmons, Embiid babakuran ng Sixers

MANANATILI sina Ben Simmons at Joel Embiid sa bakuran ng Philadelphia 76ers at posibleng magkaroon sila ng karagdagang armas sa 2020-2021 NBA season.

The post Simmons, Embiid babakuran ng Sixers first appeared on Abante.

simmons embiid babakuran ng sixers - Simmons, Embiid babakuran ng Sixers
Philadelphia 76ers - Simmons, Embiid babakuran ng Sixers

MANANATILI sina Ben Simmons at Joel Embiid sa bakuran ng Philadelphia 76ers at posibleng magkaroon sila ng karagdagang armas sa 2020-2021 NBA season.

Ayon sa bagong Sixers president ng basketball operations na si Daryl Morey, naniniwala siya sa kakayahan ng dalawa kaya sinigurado nitong walang pakakawalan sa kanila.

“Now that we have Joel and Ben, foundational pieces, I would expect less trades here,” hayag ni Morey sa NBC10.

“Joel is similar to a lot of dominant big men of the past and I think he frankly has the talent level to be in the list of some of the best of all time.”

Kaya naman magandang balita sa mga fan ng Sixers dahil kapag nanatili sina Simmons at Embiid sa roster ay tiyak na muling papasok sa playoffs ang kanilang paboritong koponan.

Nakaraan lamang ay napabalitang isa sa kanila ang ite-trade dahil pareho ang estilo ng kanilang laro.

Naligwak agad ang Philadelphia sa first round playofs sa Eastern Conference matapos yumuko sa Boston Celtics. (Elech Dawa)

The post Simmons, Embiid babakuran ng Sixers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *