Siakam, Raptors muling umangas

TUMIKADA si Pascal Siakam ng 23 points at 11 rebounds habang 22 markers at 11 boards si Kyle Lowry nang timbugin ng Toronto Raptors ang Boston Celtics, 100-93, sa 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 second round playoffs nitong Sabado (Linggo, Manila time).

The post Siakam, Raptors muling umangas first appeared on Abante.

siakam raptors muling umangas - Siakam, Raptors muling umangas
Raptors - Siakam, Raptors muling umangas

TUMIKADA si Pascal Siakam ng 23 points at 11 rebounds habang 22 markers at 11 boards si Kyle Lowry nang timbugin ng Toronto Raptors ang Boston Celtics, 100-93, sa 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 second round playoffs nitong Sabado (Linggo, Manila time).

Ang kinang ng dalawa para sa defending champions ang humatak sa 2-2 deadlock sa Eastern Conference race to four win series sa Bubble sa Walt Disney World sa Orlando Florida. Wagi rin ang Raptors sa Game 3, 104-103, tapos kopoin ng Celtics ang unang dalawang laro.

Bakbakan sa unang dalawang periods, tabla sa 49-all sa halftime, pero kumalas ang Toronto sa second half upang sikwatin ang importanteng panalo at manatili sa asam na back-to-back championship.

Namuno sa opensa ng Boston si Jayson Tatum na nagtala ng 24 pts. at 10 rebs.

Sa Martes ikakasa ang Game 5. (Elech Dawa)

The post Siakam, Raptors muling umangas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *