Siakam kinalawang

ISA si forward Pascal Siakam sa inaasahang mamumuno sa Toronto Raptors sa pagdepensa ng korona sa 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 season, pero kinalawang sa restart ang 26-years-old stalwart.

The post Siakam kinalawang first appeared on Abante.

siakam kinalawang - Siakam kinalawang
Raptors 1 - Siakam kinalawang

ISA si forward Pascal Siakam sa inaasahang mamumuno sa Toronto Raptors sa pagdepensa ng korona sa 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 season, pero kinalawang sa restart ang 26-years-old stalwart.

May average na 23.6 points si Siakam, 45.9% shooting average at 35.9% mula sa deep range, ngunit nag-iba ang ihip ng hangin sa bubble sa Walt Disner World Resort sa Orlando, Floria.

Sa pitong seeding game ng Raptors, nagtala siya ng average na 16.9 pts. sa 39.4% shooting habang halos parehas sa 3-point percentage na 35.6%.

Kontra Boston Celtics sa seven games din, lalong bumaba ang average ni Siakam sa 14.9 pts. at 38.2% shooting dagdag pa ang 4-of-32 o 12.5% 3-point percentage na lang, pinakamalala ang 3-point percentage niya sa playoffs series ng NBA history, ayon sa ESPN Stats & Information research.

Inako naman ng Cameroonian forward ang dahilan sa pagkalugmok ng Toronto Raptors sa Eastern Conference semifinals kontra Celtics.

Nagwakas nitong Sabado ang karera ng Raptors sa 92-87 win ng Celtics sa Game 7.

“Obviously, I have to be better,” esplika ni Siakam. “It was definitely a learning moment for me just learning from this experience and just learning that you’ve gotta be ready and I wasn’t able to help my teammates. I take a lot of the blame, man.” (Janiel Abby Toralba)

The post Siakam kinalawang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *