Shanghai Noon, 2 pa markado

TATLONG tigasing kabayo ang markado sa Condition Race Merged category 10 na ilalarga ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

shanghai noon 2 pa markado - Shanghai Noon, 2 pa markado
horse racing 3 - Shanghai Noon, 2 pa markado

TATLONG tigasing kabayo ang markado sa Condition Race Merged category 10 na ilalarga ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Tiyak na rarampa sa bentahan sa takilya si Shanghai Noon, The Accountant at Forest Cover na rerendahan ni top apprentice rider Pabs Cabalejo.

Ilalarga sa Race 1 ang nasabing karera, may distansya itong 1,400 metro.

“Mahirap na karera ‘yan, bukod kina Shanghai Noon, The Accountant at Forest Cover malaki rin ang tsansa ng ibang kalahok kasi sa aral ko may magandang tiyempo ‘yung isang kalahaok,” saad ni veteran karerista Ronnie Castillo na ayaw banggitin ang kanyang silip na kabayo.

Ang ibang kalahok ay sina Storm Bell, Iniki Runner, Blue Plate, Oktubre Katorse, Early Bird, magkakamping Stella Malone at Runawayfromrosenot at Boni Avenue na sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce.

Inaasahang bakbakan din ang masisilayan sa Two-Year-Old Maiden Race na pasisisbatin sa pangalawang karera.

Magtatagisan ng bilis sina Rivine Master, Top Romance, Bull Tap, Union Bell, Kawhi, Blazing Bullet at Bucasgrande Island. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *