Semerad gimbal sa pagyao ni Su

HINDI pa matanggap ni six-time PBA champion David Semerad na wala na ang kaibigan at sanggang-dikit na si Sudan Daniel.

The post Semerad gimbal sa pagyao ni Su first appeared on Abante.

semerad gimbal sa pagyao ni su - Semerad gimbal sa pagyao ni Su
semerad - Semerad gimbal sa pagyao ni Su

HINDI pa matanggap ni six-time PBA champion David Semerad na wala na ang kaibigan at sanggang-dikit na si Sudan Daniel.

Magkakasama ang kambal na David at Anthony Semerad at si Daniel na nagdiwang ng Pasko sa Batangas.

Sabado ng tanghali, inatake ng asthma si Su, 31, at hindi na nakarekober. Binawian ng buhay ang American.

“I was just with him. I am still in shock,” caption ni David sa post sa Instagram Linggo sa kuha nilang tatlo na magkakasaayan sa San Beda. “I was with him in the morning then the next day he’s gone.”

“He was my bunkmate in College,” lahad ni David.

Bida ang tatlo nang walisin ng Red Lions ang NCAA Season 86 18-0 tungo sa kampeonato. Season MVP, Finals MVP at Defensive Player of the Year noon si Daniel.

Sumunod na taon, inabot ng ACL tear si Daniel at hindi na nakapaglaro.

Natapos na ang kurso sa San Beda, nanatili sa bansa si Daniel hanggang maging MC ng Chooks to Go 3X3.

Kuwela, mabait si Daniel at maraming kaibigan. Marami rin ang nagulat sa biglaang pangyayari.

“Fly high Superman,” post sa Instagram ni Garvo Lanete ng NorthPort.

“You always kept it real and spread positivity, just what a genuine guy does,” ani Rome dela Rosa ng Magnolia.

Teammates din sina Lanete, dela Rosa at Daniel sa San Beda. (Vladi Eduarte)

The post Semerad gimbal sa pagyao ni Su first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *