SEAG tatalakayin sa POC General Assembly

INAASAHANG tatalakayin at pagdidiskusyunan ang mahahalagang isyu na bumabalot sa pagsasagawa sa bansa ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games sa gaganaping general assembly ng Philippine Olympic Committee Huwebes nang umaga sa Meralco Multi-Purpose Hall sa Pasig City.

The post SEAG tatalakayin sa POC General Assembly appeared first on Abante News Online.

seag tatalakayin sa poc general assembly - SEAG tatalakayin sa POC General Assembly
POC - SEAG tatalakayin sa POC General Assembly

INAASAHANG tatalakayin at pagdidiskusyunan ang mahahalagang isyu na bumabalot sa pagsasagawa sa bansa ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games sa gaganaping general assembly ng Philippine Olympic Committee Huwebes nang umaga sa Meralco Multi-Purpose Hall sa Pasig City.

Ipinaalam ni POC Secretary Gene­ral Patrick Gregorio sa inilabas nitong sulat na may petsa na Marso 11 sa mga pangulo at secretary general ng mga miyembro nitong asosasyon ang pangkahalatang asembliya.

“Please be informed that the mee­ting is on March 21, 2019 from 9:00am to 11:00am at the Meralco Multi-Purpose Hall, in Pasig City,” ayon sa sulat ni Gregorio.

Gayunman, ipinagtataka ng mga asosasyon na wala man lamang nakasaad na agenda sa isasagawang asembliya at tanging ipinapaalam lamang na dapat na magkaroon ng authorization ang sinuman na ipapadalang representante ng mga mi­yembro nitong NSAs.

Isa sa mga nakalutang na isyu na nais malaman ng mga NSAs ang sitwasyon sa pagho-host ng bansa sa SEA Games kung saan ilang opisyales na ang agad na nagpahayag na huwag na lamang ituloy ang kada dalawang taong aktibidad.

The post SEAG tatalakayin sa POC General Assembly appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *