SEAG, PHISGOC bubusisiin sa 2nd POC Board Meeting

INAASAHANG muling tatalakayin ang paparating na 30th SEA Games at ang pagbuo sa Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (PHISGOC) sa gagawing ikalawang Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board Meeting ngayong hapon sa Pasig.

The post SEAG, PHISGOC bubusisiin sa 2nd POC Board Meeting appeared first on Abante News Online.

seag phisgoc bubusisiin sa 2nd poc board meeting - SEAG, PHISGOC bubusisiin sa 2nd POC Board Meeting
Abante 2019 Sea Games - SEAG, PHISGOC bubusisiin sa 2nd POC Board Meeting

INAASAHANG muling tatalakayin ang paparating na 30th SEA Games at ang pagbuo sa Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (PHISGOC) sa gagawing ikalawang Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board Meeting ngayong hapon sa Pasig.

Pag-uusapan din ang Report of the Secretary General sa Sponsorship update, ISO update, Official appointment of 2020 Tokyo Olympics Chef de Mission, at ang Creation of Winter Games Committee.

Inaabangan din sa pagpupulong ang parte sa agenda ng Athlete’s Commission na iniulat na maglalabas ng kanilang mga hinaing hinggil sa kasaluku­yang kalagayan ng mga pambansang atleta kasama din ang iba’t ibang mga isyu na nagaganap sa kanilang mga kinaaanibang National Sports Association (NSA).

Una nang pinagdebatehan sa ginanap na POC General Assembly ang pagiging lehitimo ng PHISGOC gayundin ang kawalan ng mga dokumento na makapagpapatunay sa pagtatalaga ng mga opisyales na mamamahala sa pagpapatakbo ng organisasyon.

Ipinaalam ng ilang opisyales ang dalawang­ puntos sa agenda na “Official Appointments of POC Board to PHISGOC” kung saan tatlo lamang sa mga bagong luklok na opisyal ang kasali at wala ni isa man sa mga dating miyembro ng POC Board at ang ikatlo ay ang “PHISGOC Creation” kahit na mayroon nang nabuo.

Ipinaliwanag ng isang opisyal ng POC na kuwestiyonable ang inirehistro sa Securities and Exchange Commission na PHISGOC Foundation kung saan nakalagay bilang incorporators ang mga pa­ngalan nina John Patrick Gregorio, Victorico Vargas, Ramon Tatum Suzara, Donaldo Ca­ringal, Tomas Carrasco Jr., Edgar Picson, Dexter Estacio at Monica Anne Mitra na dapat na sumahod ng P120,000 sa kanilang pagseser­bisyo. (Lito Oredo)

The post SEAG, PHISGOC bubusisiin sa 2nd POC Board Meeting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *