SEA Games venue nilamon ng abo

HINDI nakaligtas ang ilan sa mga bagong gawang pasili­dad na ginamit sa katatapos lamang na pagho-host ng bansa sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games mula sa pag-aalburuto ng bulkang Taal sa Batangas.

sea games venue nilamon ng abo - SEA Games venue nilamon ng abo
skatepark - SEA Games venue nilamon ng abo

HINDI nakaligtas ang ilan sa mga bagong gawang pasili­dad na ginamit sa katatapos lamang na pagho-host ng bansa sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games mula sa pag-aalburuto ng bulkang Taal sa Batangas.

Isa na dito ang ginamit na Tagaytay Skatepark na katatayo at isang beses pa lamang ginamit sa isang internasyonal na torneo na napuno ng maninipis at maiitim na buhangin.

“As of 8am of January 13, Tagaytay Skatepark is now filled with ash from the Taal volcano’s eruption,” sabi ni Skateboarding and Rollerskate Association of the Phili­ppines (SRAP) President Monty Mendegoria.

Ipinakita ni Mendogoria sa ipinadalang litrato ni women’s cycling coach Marites Bitbit at nai-post ni Philippine Sports Commission (PSC) Deputy Executive Director­ Atty. Guillero Iroy Jr. na napuno ng buhangin ang mga hinukay na parte at halos magpantay ang dating may malalalim na bahagi at parte ng skatepark.

Hindi rin nakaligtas ang iba pang pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex tulad ng mga open air na pasilidad na football pitch, lawn tennis court at baseball field na natabunan ng makakapal na buhangin. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *