Scottie may ‘bakal’ sa PBA Bubble

BITBIT ni Ginebra guard Scottie Thompson ang kanyang bakal – hindi baril – kundi literal na bakal o barbel sa Clark sa PBA Bubble.

The post Scottie may ‘bakal’ sa PBA Bubble first appeared on Abante.

scottie may bakal sa pba bubble - Scottie may ‘bakal’ sa PBA Bubble
Scottie Thompson 2 - Scottie may ‘bakal’ sa PBA Bubble

BITBIT ni Ginebra guard Scottie Thompson ang kanyang bakal – hindi baril – kundi literal na bakal o barbel sa Clark sa PBA Bubble.

Makikita sa Instagram story ng former Perpetual Help star at NCAA Most Valuable Player (MVP) na kasama nito sa kanyang inimpake tungong closed door event ang kanyang mga ‘bakal’.

“D mabubuhay pag walang bakal,” caption ni 6-foot-1 shooting guard Thompson sa nasabing IG story.

Maging ang roommate ni Thompson na si Aljon Mariano ay may bitbit ding mga bakal kaya bukod sa training nila sa bubble ay workout rin sila sa loob ng kanilang kuwarto.

Nito lamang Martes ay nakalatag na sa tutuluyang hotel ang Ginebra kasabay ng NLEX, Blackwater at Alaska. (Aivan Episcope)

The post Scottie may ‘bakal’ sa PBA Bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *