Scottie, Ginebra bugbog ang tuhod

Smart Clark Giga City – Uumpisahan ng Ginebra ang una sa tatlong laro sa loob ng apat na araw sa pagbabalik ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble mamaya.

The post Scottie, Ginebra bugbog ang tuhod first appeared on Abante.

scottie ginebra bugbog ang tuhod - Scottie, Ginebra bugbog ang tuhod
Ginebra - Scottie, Ginebra bugbog ang tuhod

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Clark)

10:00am – Blackwater vs. SMB

1:00pm – Phoenix vs. Terrafirma

4:00pm – NorthPort vs. TNT

6:45pm – Ginebra vs. Alaska

Smart Clark Giga City – Uumpisahan ng Ginebra ang una sa tatlong laro sa loob ng apat na araw sa pagbabalik ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble mamaya.

Toka ang Alaska ngayon, babalik ng Smart 5G-powered AUF gym ang Gin Kings Miyerkules para harapin ang NorthPort.

Off ang crowd favorites sa Huwebes, may isang araw sila para paghandaan ang TNT sa Biyernes.

Tinigil pansamantala ang mga laro mula Biyernes habang hinihintay ang bagong protocols ng IATF at DOH, balik-laro na ang torneo ngayon.

Nakapahinga ang players pero bugbog naman dahil sunod-sunod ang laro hanggang matapos ang eliminations sa Nov. 11.

“Andito na kami, mas gusto na namin ‘to kesa wala kaming trabaho,” pakli ni Ginebra guard Scottie Thompson. “Ito na ‘yung buhay namin.”

Patibayan ng tuhod, ang kakapusin ng hininga ay mas malamang tutukod.

“Battle of adjustments na lang,” giit ni Thompson.

Kagandahan ay nakakabalik na ang ritmo nina LA Tenorio at Japeth Aguilar, gumaang ang trabaho nina Thompson at Stanley Pringle. (VE)

The post Scottie, Ginebra bugbog ang tuhod first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *