Schroder kinanti sa itlog si Tucker

EJECTION sa salpukan sina Oklahoma City Thunder sixth man Dennis Schroder at Houston Rockets forward PJ Tucker sa Game 5 ng kanilang first round matchup nitong Sabado.

The post Schroder kinanti sa itlog si Tucker first appeared on Abante.

schroder kinanti sa itlog si tucker - Schroder kinanti sa itlog si Tucker
abante tucker - Schroder kinanti sa itlog si Tucker

EJECTION sa salpukan sina Oklahoma City Thunder sixth man Dennis Schroder at Houston Rockets forward PJ Tucker sa Game 5 ng kanilang first round matchup nitong Sabado.

Sa kalagitnaan ng third quarter, nag-set ng pick si Tucker para makalaya ang kanilang superstar na si James Harden sa malalintang bantay ni Schroder.

Ngunit nahuli sa video ang paghampas ni Schroder sa maselang bahagi ng katawan ni Tucker, dahilan para mapahiga sa sahig ang huli. Nang bumangon ang Rockets ‘big man’, dito na nito intensyunal na binigyan ng headbutt si Schroder.

Ejected ang dalawa matapos hatulan ng flagrant foul penalty 2 si Schroder, habang technical foul naman si Tucker.

Tumapos si Schroder na may 19 points, ngunit hindi ito naging sapat para kunin ang panalo matapos tambakan ng Houston, 114-80, at kunin ang 3-2 lead sa serye. (Raymark Patriarca)

The post Schroder kinanti sa itlog si Tucker first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *