Sayang si Abueva

May nahalal na pong bagong pangulo ng Phili­ppine Olympic Committee sa katauhan ni Cong. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ang pangulo rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCyling.

sayang si abueva - Sayang si Abueva
benchwarmer ferdz delos santos - Sayang si Abueva

May nahalal na pong bagong pangulo ng Phili­ppine Olympic Committee sa katauhan ni Cong. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ang pangulo rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCyling.

Tinalo niya sa special elections na ginanap nitong Linggo sa Century Park Hotel si Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) chief na si Philip Ella ‘Popoy’ Juico sa botong 24-20.

Sa pangyayaring ito, sana po ay matapos na rin ang kaguluhan sa naturang pribadong ahensiya at tumutok na po at makipagtulungan sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) sa paghahanda para sa paparating na 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Umaasa po ang Abante na sa mga susunod na araw ay makakabalita po tayo ng magandang development sa Philippine sports dahil dito.

Napakalaking pasabog at balita na naman ang pumutok kaugnay kay PBA star Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.

Kesyo pinipilit daw niyang maka-sex ang kanyang asawa kahit ito ay buntis.
Hindi po natin alam ang buong katotohanan sa balitang ito. Pero nakakalungkot isipin na isang magaling at tinitingalang professional basketball player ay hindi matapos-tapos ang mga kontrober­siyang kinasasangkutan.

Hindi pa rin naaalis ang kanyang indefinite suspension dahil sa clothesline niya kay TNT import Terrence Jones at sa umano’y pambabastos sa nobya ni Bobby Ray Parks, Jr. ay eto na naman ang panibagong isyu sa player.
Sayang si Abueva, napakahusay niyang player at marami ang umiidolo sa kanya.

Anumang pinagdadaanan niya, sana ay maayos niya ito. Pagsisihan nawa niya ang mga maling nagawa niya at subukang itama ang mga ito.
Hindi pa huli ang lahat Calvin!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *