Saso inalat pero nag-uwi ng P1.3M

SUMABOG ang laro ni Yuka Saso, may worst round na four-over 76 upang magkasya lang sa five-way tie 13th place, iwan ng pitong palo sa nagkampeong si Nippon Saki Nagamine sa pagtiklop nitong Linggo ng hapon ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama.

The post Saso inalat pero nag-uwi ng P1.3M first appeared on Abante.

saso inalat pero nag uwi ng p1 3m - Saso inalat pero nag-uwi ng P1.3M
Yuka Saso 1 - Saso inalat pero nag-uwi ng P1.3M

SUMABOG ang laro ni Yuka Saso, may worst round na four-over 76 upang magkasya lang sa five-way tie 13th place, iwan ng pitong palo sa nagkampeong si Nippon Saki Nagamine sa pagtiklop nitong Linggo ng hapon ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama.

Kasama ang mga previous round na 68-70-69, may 283 aggregate ang top Philippine pro golfer kay Nagamine, na nag-reyna sa kalamangang isang stroke lang (69-276) laban sa mga kababayang sina Na-Ri-Nee Inari (67-277), Ayako Kimura (69-277) at Hikari Tanabe (71-277), mga nagsalo sa 2nd-4th spots.

May grasyang ¥36M (16.5M) si Nagamine.

Nabiyayaan pa rin ang Fil-Japanese rookie pro na tubong San Ildefonso, Bulacan ng ¥2,640,000 (P1.3M) sa pagsablay sa una niyang pagsubok na masungkit ang unang major title sa mayamang sport circuit sa rehiyon.

Iisa na nga lang ang birdie sa back nine, nagkaroon pa ng tatlong bogey rito si Saso sa holes No. 10, 16 at 18th. May una siyang dalawa sa front nine sa ikaanim at ikapitong butas na nagpalabo na rin sa tsansa sa pangatlo sanang korona sa liga. (Ramil Cruz)

The post Saso inalat pero nag-uwi ng P1.3M first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *