Saso ika-29, may P187K

Pinalo ni Yuka Saso ng Pilipinas ang pinakamagandang laro sa tatlong araw, two-under par 70, pero naiwan ng 13 strokes sa kampeong Haponesa, at lumagak lang sa 11 magkakabuhol para sa ika-29 na puwesto sa wakas nitong Linggo ng 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Golf 5 Country Mizunami Course sa Gifu Prefecture, Honshu, Japan.

The post Saso ika-29, may P187K first appeared on Abante.

saso ika 29 may p187k - Saso ika-29, may P187K
sako - Saso ika-29, may P187K

Pinalo ni Yuka Saso ng Pilipinas ang pinakamagandang laro sa tatlong araw, two-under par 70, pero naiwan ng 13 strokes sa kampeong Haponesa, at lumagak lang sa 11 magkakabuhol para sa ika-29 na puwesto sa wakas nitong Linggo ng 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Golf 5 Country Mizunami Course sa Gifu Prefecture, Honshu, Japan.

May identical sa first two rounds na 70s pa-212 total ang 19-year-old Fil-Japanese rookie para malagot ang back-to-back championship sa mayamang Asia’s sport circuit. Nakonsolayunan pa rin siya ng ¥408,000 (P187K).

Tinakbo ni Sakura ‘Cherry Blossom’ Koiwai ang korona sa 66-199 at ang top purse ¥ 10,800 (P5M). Salo sa 3rd-4th ang dalawa pang Japanese Ayaka Furue ((66-205) at Ayaka Watanabe (67-205) sa 107-player, 3-day golfest na may 54 ang mga napremyuhan at nagsisilbing fourth leg ng 53rd Japan Professional Ladies Golf Association (JLPGA) 2020.

Sunod na lalaruan ni Saso ang 53rd Minolta Cup JLPGA Championship 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama sa Setyembre 10-13. (Ramil Cruz)

The post Saso ika-29, may P187K first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *