Saso asinta ang ika-3 tagumpay

Balik sa gusto niyang ginagawa si Yuka Saso sa pagpalo sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship ngayong Huwebes sa The Classic Golf Club sa Fukuoka makaraan ang 10 araw na pahinga, pamamasyal, shopping at practice.

The post Saso asinta ang ika-3 tagumpay first appeared on Abante.

saso asinta ang ika 3 tagumpay - Saso asinta ang ika-3 tagumpay
tonite yuka saso - Saso asinta ang ika-3 tagumpay

Balik sa gusto niyang ginagawa si Yuka Saso sa pagpalo sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship ngayong Huwebes sa The Classic Golf Club sa Fukuoka makaraan ang 10 araw na pahinga, pamamasyal, shopping at practice.

Nakamata ang 19-anyos, may 5-5 na taas na Fil-Japanese na tubong San Ildefondo, Bulacan, ang lampasan ang 13th place sa una niyang Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Tour major sa Okayama patungo sa posibleng ikatlong panalo sa murang professional career.

Pero nahaharap ang money race, scoring leader at Player of the Year frontrunner Philippine bet sa pang-anim niyang torneo sapul nitong Hunyo sa mayamang sport circuit sa kontinente tapos makipag-bonding din sa mga kapatid sa Tokyo.

Ilan sa mga babangga kay Saso sina Golf5 Ladies runaway winner Sakura Koiwai at Descente Ladies champion Ayaka Furue sa tampok na flight sa alas-11:19 nang umaga. Gayundin sina multi-titled Ai Suzuki at United States LPGA Tour campaigners Momoko Ueda at Mamiko Higa, Earth Mondahmin Cup winner Ayaka Watanabe at iba pa. (Ramil Cruz)

The post Saso asinta ang ika-3 tagumpay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *