Sardinas bawal sa Batangas

ambetabol-ambet-nabus

Ngayong Sabado ay tiyak na maaksyon sa Batangas City Coliseum dahil kapwa nangako ang mga koponan ng Batangas at Bacoor City na babawian nila ang mga kalaban nila sa ongoing na semifinals sa MPBL.

The post Sardinas bawal sa Batangas appeared first on Abante News Online.

sardinas bawal sa batangas - Sardinas bawal sa Batangas
ambetabol ambet nabus - Sardinas bawal sa Batangas

Ngayong Sabado ay tiyak na maaksyon sa Batangas City Coliseum dahil kapwa nangako ang mga koponan ng Batangas at Bacoor City na babawian nila ang mga kalaban nila sa ongoing na semifinals sa MPBL.

Kapwa tinalo ng mga respective opponent nilang Zamboanga at Davao Occidental teams ang dalawang Luzon-based teams, lalo na ang Batangas team na siyang defending champions.

Makatulong kaya ang homecourt advantage ng Batangas para maitabla ang laban sa Zamboanga? Siyempre pa, umaasa din ang Bacoor City na mabawian nila ang Davao Occidental.

Pero ang juicier tsika na nakarating sa amin ay ang mga bonggang “bonus” schemes na nakahanda para sa mga player ng apat na teams.

Hindi pa man final round ang pinaglalaban pero ang mga “mayayamang” team owners ng mga team na nabanggit ay todo na sa pag-encourage sa mga koponan nila to win.

May running joke na nga na dahil kilalang Family Sardines ang may-ari ng Zamboanga team, ipinagbawal daw ng kilalang TAN group of companies (may-ari naman ng Batangas team) ang sardinas, hahahaha!

Kung parehong talunin ng Bacoor at Batangas ang mga kalaban nila, babalik sa Davao City ang apat na koponan para sa huling laban para malaman na ang haharap sa finals.

***

Last year ay minsan naming nakakulitan ang 7-foot-2 na si Kai Sotto. Kasi-16 lang niya that time at sobra na kaming humanga sa tikas ng bagets na pangarap ngang makapag-NBA.

Medyo may mga “naughty items” pa ­kaming pinagtatawanan that time dahil growing up boy nga ang turing namin sa Ateneo student na nasa training pool din ng Blue Eagles (as Eaglet ­member) for the UAAP.

Now that he announced his planned training abroad, nakakatuwang malaman ang full support ng maraming mga possible sponsor at siyempre pa ay nang dahil sa suporta ng ama niyang si Ervin na dating PBA player.

“I am still your regular boy. Wala namang special treatment sa akin sa bahay dahil mas gusto nga po ng parents ko ‘yung matutunan ko ang mga gawain,” ang bahagi pa ng tsikahan namin last year.

Kaya naman no worries daw ang family niya if ever na manirahan at mag-train abroad si Kai dahil naturuan at natuto ito ng tama sa bahay pa lang nila.
Although meron pang two years na natitira bilang kanyang residency sa Ateneo making him an eligible UAAP player, mas nakatuon ang pokus ni Kai na mag-train na abroad.

“Nakapag-decide na po ako at ng pamilya ko,” ang sey ng bagets sa kanyang Instagram account. “I’ll be leaving soon to start training full-time. I want to devote the next two to three years to single-mindedly focus on my goal of joining the NBA by 2021 or 2022.”

We can only wish him the best of luck dahil kung ang mga gaya ng mga EuroLeague teams na Real Madrid, FC Barcelona at Baskonia, ang Bundesliga squad na Alda Berlin at ang Movistar Estudiantes ng Liga ACB, ay nakikitaan ng mas bonggang future si Kai para sa mga gaya ng NBA, pipigilan ba natin siya?

Go on bhe! Make us proudest soon!

The post Sardinas bawal sa Batangas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *