Sara nanalanta, Kuyas tinabas ang Tamaraws

SINAGOT ni Roldan Sara ng Bulacan ang hamon ng Mindoro nang umiskor ng 12 points at pangunahan ang Kuyas sa 74-69 win kontra Tamaraw sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations Sabado ng gabi sa Baliwag Star Arena.

sara nanalanta kuyas tinabas ang tamaraws - Sara nanalanta, Kuyas tinabas ang Tamaraws
2019 Abante MPBL All Star 1 - Sara nanalanta, Kuyas tinabas ang Tamaraws

SINAGOT ni Roldan Sara ng Bulacan ang hamon ng Mindoro nang umiskor ng 12 points at pangunahan ang Kuyas sa 74-69 win kontra Tamaraw sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations Sabado ng gabi sa Baliwag Star Arena.

Kakuntsaba ni Sara at Stephen Siruma at Jhan McHale Nermal na mga pumuntos ng tig-10 sa paggamit ng Bulakeños sa homecourt advantage upang dambahin ang ika-6 na panalo at kopoin ang ikanim na puwesto sa 15-team Group A sa 6-5 win-loss slate.

“Role player lang ako, kahit sino pwede mag-best pla­yer,” dada ni Sara sa panayam ng ABS-CBN Sports.

Eklipsado ang kinayod ni ex-pro at Mindoro team captain Marnel ‘Mac’ Baracael na 16 puntos at 6 rebounds sa pagsalampak ng Tams sa tatlong dikit tungo sa pagsadlak din sa Group B 11th spot sa 3-7.

Binilanggo naman ng GenSan Warriors (8-2) ang Muntinlupa Cagers (3-8), 84-61. At wagi ang Bicol (6-2) sa Navotas (2-5), 88-73.

(Aivan Denzel Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *