Santos, Lassiter backup hinahanap ni Austria

WALANG pick ang San Miguel Beermen sa opening rounds ng susunod na 36th PBA rookie draft 2021, maghahanap ng ibang paraan si coach Leo Austria para punan ang vacuum ng kanyang team.

The post Santos, Lassiter backup hinahanap ni Austria first appeared on Abante.

santos lassiter backup hinahanap ni austria - Santos, Lassiter backup hinahanap ni Austria
pba 8 - Santos, Lassiter backup hinahanap ni Austria

WALANG pick ang San Miguel Beermen sa opening rounds ng susunod na 36th PBA rookie draft 2021, maghahanap ng ibang paraan si coach Leo Austria para punan ang vacuum ng kanyang team.

Isang big man na ba-backup kay Arwind Santos sa No. 4 para makumpleto ang 10 rotation, isa ring kahalili ni Marcio Lassiter sa 3 o 2.

Sa Pampanga bubble ng 45th PBA 2020 Philippine Cup, siyam lang ang nasa rotation ni Austria. No. 4 ang Beermen pagkatapos ng elimiantions pero dalawang beses tinalo ng Meralco sa quarterfinals.

Si Mo Tautuaa ang humalili kay June Mar Fajardo sa gitna. Wala rin sa bubble si Matt Ganuelas-Rosser (opt out), maagang lumabas si Terrence Romeo (dislocated shoulder).

Walang balak baguhin si Austria sa core ng kanyang starting five kina Chris Ross, Alex Cabagnot, Lassiter, Santos at Fajardo.

Dahil walang pick, posibleng mangahoy ng available big ang Beermen.

Inaasahang makakabalik na si Fajardo sa susunod na season na magsisimula sa April.

May assurance ang six-time MVP sa kanyang coach.

“Ang sabi niya sa akin after our conference ended, ‘Pahinga ka lang, huwag mong isipin ‘yan. Bawi tayo next year,’” ani Austria. “So that means na confident siya.” (Vladi Eduarte)

The post Santos, Lassiter backup hinahanap ni Austria first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *