San Sebastian luhod kay Gurtiza, EAC

NATULDUKAN ang kamalasan ng Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals matapos nilang paluhurin ang liyamadong San Sebastian College Stags, 79-75, sa pangalawang laro ng NCAA 95 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

san sebastian luhod kay gurtiza eac - San Sebastian luhod kay Gurtiza, EAC
eac - San Sebastian luhod kay Gurtiza, EAC

NATULDUKAN ang kamalasan ng Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals matapos nilang paluhurin ang liyamadong San Sebastian College Stags, 79-75, sa pangalawang laro ng NCAA 95 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagpakitang-gilas si Kriss Gurtiza matapos magtala ng 16 points at pitong rebounds habang 16 din ang tinipa ni Marwin Taywan para ilista ang 2-11 karta ng Generals at manatiling may tsansa sa asam na Final Four.

Maagang uminit ang opensa ng Emilio Aguinaldo, hinawakan nila ang 10-point lead, 34-24, sa halftime.

Sa unang laban, nagliyab ang opensa ni point guard Kent Salado upang akbayan ang Arellano University Chiefs sa 75-69 panalo kontra College of Saint Benilde Blazers.

Kumayod si Salado ng 18 points, apat na assists, tatlong rebounds at dalawang steals upang tulungan ang host Arellano na ilista ang pang-apat na panalo sa 14 na laro.

Medyo mabagal ang simula ng Chiefs kaya naghabol sila ng dalawang puntos sa first canto, 13-15, subalit nag-iba ang ihip ng hangin sa second, pumabor sa Arellano kaya naagaw nila ang bentahe, 33-29, sa halftime.

Sa third game, nagbaon ng career-high 25 points si Jaycee Marcelino para buhatin ang Lyceum Pirates sa 90-97 panalo laban sa Letran Knights.

Nananatili sa No. 2 spot ng team standings ang Lyceum hawak ang 10-3 kartada sa likod ng nangungunang San Beda Red Lionas (14-0).

Umagapay rin si Reymar Caduyac ng 20 points at 5 rebounds para sa Lyceum upang ipalasap sa Letran ang ikalimang talo sa 14 na salang. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *