San Miguel ‘susubuan’ ulit si Romeo vs Phoenix

MARTES ng gabi, sa Game 4 ng PBA Philippine Cup, ang pinakamaangas na nilaro ni Terrence Romeo suot ang San Miguel Beer jersey.

The post San Miguel ‘susubuan’ ulit si Romeo vs Phoenix appeared first on Abante News Online.

san miguel susubuan ulit si romeo vs phoenix - San Miguel ‘susubuan’ ulit si Romeo vs Phoenix
Abante 2019 Terrence Romeo 1 - San Miguel ‘susubuan’ ulit si Romeo vs Phoenix

Semis Game 5 ngayon:
(Cuneta Astrodome)
7:00pm — SMB vs. Phoenix
(Beermen lead series 3-1)

MARTES ng gabi, sa Game 4 ng PBA Philippine Cup, ang pinakamaangas na nilaro ni Terrence Romeo suot ang San Miguel Beer jersey.

Nagpasabog ng 17 straight points si Romeo, kabilang ang tatlong sunod na 3-pointers, sa kalagitnaan ng third quarter nang takbuhan ng Beer ang Phoenix tungo sa 114-91 panalo at 3-1 lead sa series.

Tumapos ng team-high 20 points si Romeo maliban sa dalawang free throws ay galing na lahat sa 3-point range ang puntos. Nakakangilong clip na 6 for 10 sa labas ng arc si Romeo, dumating sa SMB bago nagsimula ang season mula TNT KaTropa.

Pagkatapos ng ratsada ni Romeo, malayo na ang San Miguel 89-63.

“I think that was the turning point,” pahayag ni San Miguel coach Leo Austria sa postgame news confe­rence. “He exploded at the right time, at the right place. He’s the main man tonight.”

Matagal na rin daw hinihintay ni Austria ang pasabog ng three-time scoring champion, hindi lang makatiyempo sa mga nagdaang laro.

“What I saw from his teammates, talagang pini-feed siya, and they understand what kind of talent Romeo has,” dagdag ng coach.

Si Romeo, ayaw solohin ang kredito, ibinato rin sa kanyang backcourt partner na si Chris Ross.

“Credit sa teammates ko kasi sila ‘yung nagse-set up sa akin especially si kuya Chris,” anang guard na produkto ng FEU. “Talagang hina­hanap niya ako sa loob.”

Karamihan ng seven assists ni Ross ay kay Romeo nakuha.

Tatangkain ng Beermen na tapusin na ang series sa Game 5 mamaya sa Cuneta Astrodome din. (Vladi Eduarte)

The post San Miguel ‘susubuan’ ulit si Romeo vs Phoenix appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *