San Miguel mabangis kahit walang Fajardo

MALAKING kawalan para sa San Miguel Beermen ang six-time reigning Most Valuable Player (MVP) na si June Mar Fajardo.

The post San Miguel mabangis kahit walang Fajardo first appeared on Abante.

san miguel mabangis kahit walang fajardo - San Miguel mabangis kahit walang Fajardo
san miguel - San Miguel mabangis kahit walang Fajardo

PALABAN

MALAKING kawalan para sa San Miguel Beermen ang six-time reigning Most Valuable Player (MVP) na si June Mar Fajardo.

Pero kumpletos rekados naman ang bataan ni coach Leo Austria para punan ang pansamantalang kakulangan ni Fajardo na nagpapagaling pa rin sa shin injury.

Sa nag-iisang laban ng PBA Philippine Cup noong Marso 8 bago mag-shutdown dahil sa pandemic coronavirus, ipinakita ng Beermen na mabangis pa rin sila kahit wala si Fajardo nang tambakan ang Magnolia Hotshots, 94-78.

“At the start of the conference we really don’t know what will happen sa team. Alam naman natin na naka-anchor kami kay June Mar Fajardo, (but) with our game against Magnolia, I think it gives us a lot of confidence,” kuwento ni Austria sa The Link Podcast ni veteran sportswriter Rey Joble kamakailan.

Ayon kay Austria, kaya pa rin ng San Miguel na magkampeon kahit garahe pa rin si ‘Kraken’ at kahit nagpapalakas din ang ibang PBA squad.

“We know that their target is our title. But I’m still confident na ‘yung pride and ego ng mga players will prevail” sabi pa ni Austria.

“We don’t know yet because of this pandemic, magkakaroon na ng new start, new beginning so we don’t know yet. But as far as my knowledge is concerned, they are really excited to play again.”

Wala pang petsa kung kalian itutuloy ang naudlot na PBA Philippine Cup subalit nagsasagawa na ng mga small group practices ang bawat koponan. (Ferdz Delos Santos)

The post San Miguel mabangis kahit walang Fajardo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *