Sam sinungaling! — The Beast

GUMAWA ng bagong Ins­tagram account si Calvin Abueva para sagutin ang mga paratang ng asawang si Sam.

sam sinungaling the beast - Sam sinungaling! — The Beast
abueva 6 - Sam sinungaling! — The Beast

GUMAWA ng bagong Ins­tagram account si Calvin Abueva para sagutin ang mga paratang ng asawang si Sam.

Sa kanyang @abuevacalvinthebeast, sinabi ng suspendidong Phoenix Pulse forward na hiwalay na sila ng asawa. Tinawag pa niyang ‘kababalaghan’ ang pinagsasabi ni Sam nang mag-live sa Instagram gamit ang dating account ni Calvin na @calvinabuevaofficial.

“Sa mga followers ko doon sa lumang IG ko, ‘wag kayong maniwala doon kasi hiwalay na po kami at wala na akong communication doon at siya na po ang humahawak ng old IG ko,” anang The Beast sa live video.

“Lahat ng mga nandoon is kababalaghan at walang katotohanan.”
Si Sam daw ang sumagot sa mga tanong na pinabayaan ni Calvin ang kanilang mga anak, 9 years na raw siyang sinasaktan mula college days pa nila.

Buntis daw si Sam, 32 weeks, pero pinabayaan. Sa tanong kung gusto niyang makulong si Abueva, sumagot si Sam ng ‘Oo’.

“Masarap bang mag-Bora hangga’t wala ‘yung asawa mo?” tanong naman ni Calvin. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *