Salamat Uste – Abando

OPISYAL nang nagpaalam sa University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers ang 6-foot-4 forward na si Rhenz Abando nitong Lunes

The post Salamat Uste – Abando first appeared on Abante.

salamat uste abando - Salamat Uste – Abando
rhenz abando - Salamat Uste – Abando

OPISYAL nang nagpaalam sa University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers ang 6-foot-4 forward na si Rhenz Abando nitong Lunes

Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat ang Sto. Tomas, La Union pride sa UST sa pagiging bahagi ng koponan.

“Thank you for your unending grace!!!,” tweet ng 22-anyos na kamador ng UST na nagposte ng 11.7 puntos, 5.3 rebounds at 1.3 supalpal kada laro sa nagdaang UAAP Season 82.

Malakas ang ugong na tatalon ito sa NCAA Season 95 champion Letran Knights.

Kapag natuloy, makakasama niya ang graduating guard na si Fran Yu sa team.

Sakaling mapunta sa NCAA, mayroon pa itong three playing years habang dalawang taon pa sakaling manatili sa anumang UAAP squad. (Sarah Jireh Asido)

The post Salamat Uste – Abando first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *