Salamat Rai, Suelo

Masayang ibinalita ng ating kumpareng si Arena Grandmaster Marlon Bernardino ang pagsuporta ni Singaporean Arena International Master Wagish Kumar Rai ng Frontier Wheels at ni Filipino Arena Grandmaster Robert Suelo sa mga online chess tournament ng Bayanihan Chess Club.

The post Salamat Rai, Suelo first appeared on Abante.

salamat rai suelo - Salamat Rai, Suelo
GM Joey Antonio Grandmaestro - Salamat Rai, Suelo

Masayang ibinalita ng ating kumpareng si Arena Grandmaster Marlon Bernardino ang pagsuporta ni Singaporean Arena International Master Wagish Kumar Rai ng Frontier Wheels at ni Filipino Arena Grandmaster Robert Suelo sa mga online chess tournament ng Bayanihan Chess Club.

Kabilang sa susuportahan nina AIM Rai at AGM Suelo ang Ring King Donut Cup Arena ni birthday celebrant Ashan Dee.

Susuporta rin sila sa Kiddies U-12 Arena sa Nov. 7, ang GM Rosendo Carreon Balinas Jr. Online Chess Tournament na tinampukang 3 Years old Birthday Celebration ni Baby Uno sa Nov. 22 at 23 na kaagapay din sa pagiging punong abala sina US based Dr. Joe Balinas , Engr. Antonio Balinas at Mr. Recca Carcueva ng Philippine E-9 Chess Club na bukod tanging Filipino Chess Club sa South Korea

Pati ang Iyana Kim Villareal Birthday Arena sa Nov.29 na punong abala si Dodoy Kriz Villareal, Secretary General ng Andalus Chess Club Bahrain ay susuportahan ng mga ito.

Nauna nang nag-sponsor sina Mc Daniel Ebao ng Pretty Zada at Jason Rojo.

Snappy Salute din kina Robert Racasa, godfather ng Philippine Memory at National Master Exfelicos Bolico na nag-sponsor ng kanilang birthday online tournament sa Bayanihan Chess Club nitong Oct.24 at 25.

Magdaraos naman ng kanyang kaarawan si Marife Berthe Murillo-Racasa, maybahay ni GM Racasa sa Nov. 16 at tiyak na mag-sponsor din ng birthday online tournament.

The post Salamat Rai, Suelo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *