Salado buo ang loob, Arellano aabot sa ‘F4’

Salado buo ang loob, Arellano aabot sa ‘F4’

KUMPIYANSA si Arellano University point guard Kent Salado na kaya pa nilang umahon at makasampa sa ‘Magic Four’ pagkatapos ng 18-game elimination round sa 95th NCAA men’s basketball tournament.

salado buo ang loob arellano aabot sa f4 - Salado buo ang loob, Arellano aabot sa ‘F4’
kent salado - Salado buo ang loob, Arellano aabot sa ‘F4’

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — San Beda vs SSC
2:0pm — CSB vs Letran
4:00pm — Arellano vs Mapua

KUMPIYANSA si Arellano University point guard Kent Salado na kaya pa nilang umahon at makasampa sa ‘Magic Four’ pagkatapos ng 18-game elimination round sa 95th NCAA men’s basketball tournament.

Nasa ninth place ang Chiefs tangan ang 3-9 karta, sisikapin nilang masilo ang pangalawang sunod na panalo pagharap nila sa Mapua Cardinals sa alas-4 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“Sinasabihan ko lang ‘yung teammates ko na kaya pa naman natin kasi kaya nga natin ‘yung malalakas, humahabol nga tayo. Huwag lang dapat kami mawalan ng gana,” patungkol ni Cagayan de Oro native Salado sa asam nilang pumasok sa playoff.

Kinapitan ng Arellano si Salado sa huli nilang laro nang talbusin ang Perpetual Help Altas, 91-86, nitong Setyembre 19.

Nagtala ang 5-foot-8 playmaker ng 18 points, 12 assists at apat na steals upang tulungan ang Chiefs na kalsuhan ang three-game skid.

Dahil sa kabayanihan ni Salado ay hinirang siyang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Tiyak naman na dadaan sa butas ng karayom ang Arellano U bago makuha ang panalo dahil sasandalan ng Cardinals ang kanilang two-game winning streak.

Tangan ng Intramuros-based squad Mapua ang 5-6 record.

Samantala, magkakalmutan sa alas-12 ng tanghali ang defending champion San Beda University Red Lions at San Sebastian College Golden Stags habang banatan sa pangalawang laro ang College of Saint Benilde Blazers at Letran Knights sa alas-2 ng hapon. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *