Sabong stars dayo sa Pasay ngayon

Mga sabong star ang mga magtatagpo sa Pasay City Cockpit para sa patok na “Building­ Bridges 6-Bullstag Derby Part 2” na may 90 entries ngayon.

The post Sabong stars dayo sa Pasay ngayon appeared first on Abante News Online.

sabong stars dayo sa pasay ngayon - Sabong stars dayo sa Pasay ngayon
sabong 9 1 - Sabong stars dayo sa Pasay ngayon

Mga sabong star ang mga magtatagpo sa Pasay City Cockpit para sa patok na “Building­ Bridges 6-Bullstag Derby Part 2” na may 90 entries ngayon.

Kasado ang 135 sultada sa 3-bullstag elims at 135 din sa Biyernes, Abril 5 (3-bullstag finals), ayon kahapon kina presidents Nick Crisostomo ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) at Rey Directo ng Rizal Gamecock Breeders Association (RGBA).

Garantisado ang P1.8 milyon papremyo sa derbing mga itataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ang mga pambato ng bawat team ay sina sabong idol Patrick Antonio ng Sagupaan, Rey Tolentino ng Bulacan, Mayor Roderick Alcala ng Quezon, Rep. Vic Yap ng Tarlac, Doc Ayong­ Lorenzo ng Excellence, Eric dela Rosa ng Thor, Robin Nepomuceno ng Kapampangan, Jojo Gatlabayan ng RGBA, Arman Santos ng LGBA, Bong Cababa ng La Union, Ted Macadagdag ng Manila-Cavite, Celso Evangelista ng Experto, Honey Yu ng King Slasher,Choy Ampil ng Mad Science at Rey Tambong ng Black Rooster.
May hiwalay na premyo ang individual at team champion rito.

“Maraming gustong sumali at may papasok na bagong teams sa ‘Building Bridges’ Part 3 at 4,” wakas ni  Crisostomo. 

The post Sabong stars dayo sa Pasay ngayon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *