Sabong pininsala ng COVID

Hindi makakalimutan ng mga sabungero, kristo at breeder ang patapos na taong 2020 dahil sa mga dinanas na dagok na hatid ng Coronavirus Disease 2019.

The post Sabong pininsala ng COVID first appeared on Abante.

sabong pininsala ng covid - Sabong pininsala ng COVID
sabong 8 - Sabong pininsala ng COVID

Hindi makakalimutan ng mga sabungero, kristo at breeder ang patapos na taong 2020 dahil sa mga dinanas na dagok na hatid ng Coronavirus Disease 2019.

Napatigil ang sabong nang isailalim sa enhance community quarantine (ECQ) ang bansa noong Marso.

Sinara ang mga sabungan kaya nawalan ng pagkakakitaan ang mga kristo, breeder at iba pang nasa loob gaya ng manggagamot.

Butas ang bulsa ng mga backyard breeder dahil walang bumibili ng mga palahi, na ayon sa mga buyer walang paglalabanan. Sa anim na buwang walang derby, maraming maliliit na magmamanok sa lugi sa gastos sa mga patuka.

Umaksyon ang ilang bigtime breeder at hiniling sa gobyerno na maibalik ang sabong kung saan pinatupad ang health protocols upang maiwasan ang hawaan sa pandemya.

Nang pumayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Oktubre sa mga pa-derby. ‘Di masaya ang marami sa “No Audience” rule. Bawal pa rin ang hackfights kaya tengga pa rin ang mga kristo at ibang mga nasa sabungan.

Hindi ang tradisyong sabong ang nagbalik, pero kapag dumating ang pinakahihintay na vaccine laban sa coronavirus, muling sisigla ang sabong. (Elech Dawa)

The post Sabong pininsala ng COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *