Saan napunta ang hiya?

jimmy-cantor-tagamasid

MATINDI ang statement na pinalabas ng Philippine South East Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) noong Sabado tungkol sa 30th Southeast Asian Games na nakatakdang gawin dito sa atin sa Nobyembre.

The post Saan napunta ang hiya? appeared first on Abante News Online.

saan napunta ang hiya - Saan napunta ang hiya?
27292742 2025963744087473 793004448 n - Saan napunta ang hiya?

MATINDI ang statement na pinalabas ng Philippine South East Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) noong Sabado tungkol sa 30th Southeast Asian Games na nakatakdang gawin dito sa atin sa Nobyembre.

Binalaan nito ang mga nagkakalat ng fake news o misinformation na hindi umano matutuloy ang palaro dito sa atin at bagkus ay gagawin sa ibang bansa.

Ganito ang sinabi ng Phisgoc: We will not tolerate fake news or misinformation that will damage the image of the country.

Bago ito, sinabi ng Phisgoc na mayroong mga personalidad na gustong isabotahe ang pagho-host natin ng palaro. At nakahanda ang mga opisyal ng Phisgoc na makipag-usap sa mga taong ito.

Sinabi din ng Phisgoc na mangyari na ang mangyari, tuloy ang SEA Games dito sa atin, walang atrasan.

Hindi na natin babanggitin kung sino ang mga tinutukoy ng kumite. Sabihin na lang natin na napaka-iresponsable ng mga ito. Ang isa ay naglabas ng balita na nagsasabing malamang na ibang bansa na ang mag-host ng SEA Games dahil sa mga problemang kinakaharap ng ahensya.

Ang masakit, ni isang source ay walang binanggit sa nasabing balita. Puro speculation ang laman ng istorya.

Ganito din ang sinasabi ng iba. At ang basehan nila ay ang kawalan ng pondo para sa palaro. Hindi pa kasi aprubado ang General Appropriations Act kung saan manggagaling ang P5 bilyong pondo para sa SEA Games.

Sa statement ng Phisgoc, patuloy silang nakikipag-usap sa mga opisyal ng legislative at administrative branches ng government para sa budget.

Ang sabi nga ng isang katoto, hindi na tama ang ginagawa ng ilang mga naninira sa Phisgoc at sa bansa dahil sa pagkakalat nila ng maling impormas­yon. Kung hindi sila nahihiya sa kanilang sarili, dapat silang mahiya sa kanilang mga kasama sa propesyon dahil alam ng mga ito kung ano ang kanilang agenda.

Marami pang sinabi ang katoto pero hindi na natin isisiwalat pa dito.

Ang sa atin lang, naniniwala tayong matutuloy ang SEA Games dito sa atin, puwera na lang siguro kung magugunaw na ang mundo bukas.

The post Saan napunta ang hiya? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *