Russian GM Vitiugov kakalusin ni Wesley

TIYAK na mapapalaban si super grandmaster Wesley So kay Russian GM Nikita Vitiugov sa Round-of-16 ng FIDE World Cup 2019 knockout sa Khanty-Mansiysk sa Russia.

russian gm vitiugov kakalusin ni wesley - Russian GM Vitiugov kakalusin ni Wesley
chess 10 - Russian GM Vitiugov kakalusin ni Wesley

TIYAK na mapapalaban si super grandmaster Wesley So kay Russian GM Nikita Vitiugov sa Round-of-16 ng FIDE World Cup 2019 knockout sa Khanty-Mansiysk sa Russia.

Pinagulong ni 25-year-old So si GM Santosh Vidit ng India, 1.5-0.5, sa last 32 sa event na may 128-player, two-game series.

Kinalos muna ni So sa unang game si Vidit bago nakipaghatian ng puntos sa pangalawa matapos ang 45 moves ng English.

Pinatalsik naman ni Vitiugov (Elo 2735) ang kababayan nitong si former World Championship challenger GM Sergey Karjakin.

Nasa seventh sa world ranking si So na may Elo rating na 2774, kailangang manalo ng Imus, Cavite native para lumakas ang tsansa nitong makalaro sa inaasam na World Championship kung saan ang reigning champion ay si GM Magnus Carlsen ng Norway.

Sakaling makalusot si dating Philippine Chess team star So kay Vitiugov, makakaharap niya ang mananalo sa pagitan nina Ian Nepomniachtchi ng Russia at GM Yu Yangyi ng China. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *