Rubilen Amit akyat ng No.3 sa WPA ranking

UMAKYAT sa ikatlong puwesto sa World Pool Association (WPA) ranking si Rubilen Amit matapos ang magkasunod nitong pagtatapos sa ikalawang puwesto sa sinalihang kompetisyon nakaraang buwan na Japan at China Open.

rubilen amit akyat ng no 3 sa wpa ranking - Rubilen Amit akyat ng No.3 sa WPA ranking
billiards 2 - Rubilen Amit akyat ng No.3 sa WPA ranking

UMAKYAT sa ikatlong puwesto sa World Pool Association (WPA) ranking si Rubilen Amit matapos ang magkasunod nitong pagtatapos sa ikalawang puwesto sa sinalihang kompetisyon nakaraang buwan na Japan at China Open.

Nakapagtipon ang 37-anyos at Accounting graduate na si Amit ng kabuuang 10573 puntos mula sa iniuwi nitong 5323 sa pagsungkit sa ikalawang puwesto sa Japan Open at 5250 sa China Open upang okupahan ang ikatlong puwesto sa world ranking.

Dalawang Chinese ang nasa una at ikalawang puwesto na sian Han Yu na may 12180 puntos (4180+8000) at Siming Chen na may 10720 puntos (6720-4000).

Matatandaan na nagkasya sa ikalawang puwesto si Amit sa 2019 World 9-Ball China Open sa Pudong’s Tangzhen County at kay Amber Chen ng Taiwan sa finals ng 32nd Japan 9-Ball Open sa New Pier Hall sa Tokyo, Japan.

Ang two-time world billiards 10-ball champion noong 2009 at 2013 ay kasalukuyang naghahanda para sa pagnanais nitong makamit muli ang gintong medalya sa gaganapin sa bansa na 30th Southeast Asian Games kung saan kapit ng kakabayan na si Chezka Centeno ang korona.

Dati itong nasa ika-10 puwesto. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *