RoS nagpapansit kay Pido, NorthPort

NAPAYPAYAN ang tsansa ng NorthPort sa PBA Philippine Cup quarterfinals pagkatapos tambakan ang TNT KaTropa, 106-93, noong Linggo, binigyan pa ng Batang Pier ng free ride sa No. 2 spot ang Rain or Shine (8-3).

The post RoS nagpapansit kay Pido, NorthPort appeared first on Abante News Online.

ros nagpapansit kay pido northport - RoS nagpapansit kay Pido, NorthPort
northport - RoS nagpapansit kay Pido, NorthPort

NAPAYPAYAN ang tsansa ng NorthPort sa PBA Philippine Cup quarterfinals pagkatapos tambakan ang TNT KaTropa, 106-93, noong Linggo, binigyan pa ng Batang Pier ng free ride sa No. 2 spot ang Rain or Shine (8-3).

Sa postgame interview sa Smart Araneta Coliseum, nabanggit kay coach Pido Jarencio na nilibre nila sa twice-to-beat bonus sa playoffs ang Elasto Painters laban sa No. 7 team.

“Kung nabigyan naman sila ng free ticket para maging No. 1 o No. 2, kung sinumang team ‘yun, magpadala na lang sila ng pagkain sa praktis bukas. Ganu’n lang ‘yun,” nakatawang bulalas ni Jarencio.

Hindi nagdalawang-salita ang Batang Pier coach, may nakarating ngang ‘token’ sa ensayo ng NorthPort kinabukasan.

Nabasa nina Rain or Shine co-owners Raymond Yu at Terry Que ang pahayag ni Jarencio, nagpa-order agad sila ng pansit at pina-deliver sa practice venue ng Batang Pier sa Greenmeadows Gym sa Quezon City.
Agad namang nilinaw ni Yu na hindi ‘yun suhol o padulas.

“Hope it will not be interpreted in a different way. We have read what coach Pido wants so we obliged,” ani Yu. “Sabi kasi pagkain, so naisip ko pansit.”

Mabilis ding nagpasalamat si NorthPort governor Erick Arejola sa kagandahang-loob ng RoS owners kahit alam na nagbibiro lang si Ja­rencio.

Bago ang laro, luma­laban pa ang TNT (7-4) at Ginebra (6-3) sa No. 2 spot. Dahil sa dambuhalang talo ng KaTropa, nawalan sila ng tsansa sa bonus, nasarhan din ang Ginebra sa top 2. Sa halip, sinelyuhan ng Ro Sang second seed sa likod ng Phoenix (9-2).

The post RoS nagpapansit kay Pido, NorthPort appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *