Rondina, Petron giniba ang Sta. Lucia

Rondina, Petron giniba ang Sta. Lucia

MULING ipinakita ni power hitting Cherry Ann Rondina ang kanyang tikas matapos akbayan ang Petron Blaze Spikers sa 25-13, 25-10, 25-13 panalo kontra Sta. Lucia Lady Realtors kahapon sa preliminary round ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

rondina petron giniba ang sta lucia - Rondina, Petron giniba ang Sta. Lucia
petron 10 - Rondina, Petron giniba ang Sta. Lucia

Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Centre)
4:15pm — Cignal vs Foton
7:00pm — Generika-Ayala vs Sta. Lucia

MULING ipinakita ni power hitting Cherry Ann Rondina ang kanyang tikas matapos akbayan ang Petron Blaze Spikers sa 25-13, 25-10, 25-13 panalo kontra Sta. Lucia Lady Realtors kahapon sa preliminary round ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Habang tumatagal, lalong bumabangis ang Blaze Spikers, kinahon nila ang eight-game winning streak para mapalakas ang kapit sa second spot ng team standings.

Nagtala si Rondina ng 18 attacks, tatlong blocks at isang service ace upang tulungan ang Petron na ilista ang 10-1 card.

Ayon kay Rondina, gumaganda ang kanilang laro dahil sumusunod sila sa mga inuutos at sinasabi ng coaching staff.

“Lagi lang namin iniisip ‘yung sinasabi ng mga coaches huwag ma-ging complacent kasi hindi pa raw nananalo,” hayag ni Rondina.

Halos nakakapit na ang Blaze Spikers sa tuktok na hinahawakan ng powerhouse F2 Logistics Cargo Movers na may malinis na 10 panalo. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *