Romeo nagtae, na-dehydrate

NAKA-street clothes si Terrence Romeo noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, pinanood lang sa dulo ng bench ang 114-96 win ng San Miguel Beer sa Alaska.

The post Romeo nagtae, na-dehydrate appeared first on Abante News Online.

romeo nagtae na dehydrate - Romeo nagtae, na-dehydrate
Abante 2019 Terrence Romeo - Romeo nagtae, na-dehydrate

NAKA-street clothes si Terrence Romeo noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, pinanood lang sa dulo ng bench ang 114-96 win ng San Miguel Beer sa Alaska.

Ayon kay coach Leo Austria, may nakaing nakasama sa kanya at inabot ng dehydration ang guard pagkatapos ng 96-93 loss ng Beermen sa Phoenix noong March 16 sa Davao.

“Nagkaroon pa siya ng tonsillitis, so compounded eh,” paliwanag ni Austria. “Tala­gang dehydrated.”

Gusto raw maglaro ni Romeo, pero, “yesterday (Sabado) he asked coach Gee (Abanilla), ‘I can play tomorrow.’ And he told him na, ‘you cannot play tomorrow,’” dagdag ng SMB coach.

Tinapos ng Beermen ang eliminations sa 7-4, naniguro na ng puwesto sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Kagandahan lang ay may halos dalawang linggo ring pahinga ang Beermen dahil sa All-Star weekend, may dalawang playing dates pa sa eliminations huli sa Abril 3.

Makakapahinga pa si Romeo, inaasahang makakabalik na siya sa playoffs.

“In the second round, he will be okay,” paniniguro ni Austria.

Nakabalik na rin mula sa knee injury si big man Christian Standhardinger, sinubukan na siya kontra Aces at walang kalawang na tumikada ng 23 points, 14 dito sa fourth quarter. (Vladi Eduarte)

The post Romeo nagtae, na-dehydrate appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *