Rodriguez ‘ampalaya’ sa talo kay Gaballo

HINDI maka-move on si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico matapos yumuko kay Reymart Gaballo sa kanilang interim World Boxing Council (WBC) bantamweight title fight nitong Linggo sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

The post Rodriguez ‘ampalaya’ sa talo kay Gaballo first appeared on Abante.

rodriguez ampalaya sa talo kay gaballo - Rodriguez ‘ampalaya’ sa talo kay Gaballo
boxing 7 - Rodriguez ‘ampalaya’ sa talo kay Gaballo

HINDI maka-move on si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico matapos yumuko kay Reymart Gaballo sa kanilang interim World Boxing Council (WBC) bantamweight title fight nitong Linggo sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

Naniniwala si Rodriguez na siya ang nanalo at hindi ang Pinoy boxer kaya naman aapela ang kanilang kampo.

“It never should have come down to this. I won the fight and we will appeal this outcome,” hayag ni Rodriguez.

Isang judge lang ang pumanig kay Rodriguez, si David Sutherland, binigyan siya nito ng 118-110 bentahe habang sina Don Trella (116-112) at John McKaie (115-113) ang pumabor kay Gaballo.

“We are going to appeal this decision. Everyone knows that we won the fight. This is so bad for boxing. We can’t have this decision that we know we won. We outfought him for twelve rounds,” saad ni Rodriguez.

Ayon sa ibang boxing analysts, mas naging agresibo si Gaballo sa laban kung saan ay nagbitaw ito ng 520 punches kumpara sa 372 lamang ni Rodriguez. (Elech Dawa)

The post Rodriguez ‘ampalaya’ sa talo kay Gaballo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *