Rodrigo patok

PINAPATOK ang kabayong Rodrigo sa ‘3-Year-Old & Above Maiden Race’ na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

The post Rodrigo patok first appeared on Abante.

rodrigo patok - Rodrigo patok
horse 5 - Rodrigo patok

PINAPATOK ang kabayong Rodrigo sa ‘3-Year-Old & Above Maiden Race’ na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Maging ibang mga karerista ay pumabor kay Rodrigo laban sa 11 niyang katunggali sa event na may distansyang 1,300 metro.

“Maganda kasi ang itinakbo nakaraan kaya sa tingin ko lamang si Rodrigo diyan,” hayag ni Jessie Canete, karerista na taga-Tayuman.

Sasakyan ni apprentice rider NC Lunar si Rodrigo, inaasahang mabibigyan sila ng laban nina Lucky Noh Noh na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez at magkakamping sina Cash Cash Halo at Cam From Behind.

Ang ibang kasali ay sina Princess Mavee, Kaydet Girl, Our Little Princess, Magma, Maam Aida, Red Hawk, Happy Kid at Bond’s Lady.

Pitong karera ang inilaan ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong araw, umaasa silang mapapasaya nila ang Bayang Karerista kahit na ang gagamitin sa pagtaya ay ang Mobile Off-Track Betting (MOTB). (Elech Dawa)

The post Rodrigo patok first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *