Rockets kinapos kina Davis, LeBron

ITINODO ng Houston Rockets ang kanilang lakas upang makatabla sa serye pero hindi nila kinaya ang tikas nina Los Angeles Lakers star LeBron James at Anthony Davis.

The post Rockets kinapos kina Davis, LeBron first appeared on Abante.

rockets kinapos kina davis lebron - Rockets kinapos kina Davis, LeBron
davis and james - Rockets kinapos kina Davis, LeBron

ITINODO ng Houston Rockets ang kanilang lakas upang makatabla sa serye pero hindi nila kinaya ang tikas nina Los Angeles Lakers star LeBron James at Anthony Davis.

Nagsanib puwersa sina four-time Most Valuable Player (MVP) James at Davis upang akbayan ang Lakers sa 110-100 panalo kontra Rockets sa Game 4 ng 2019-2020 NBA second round playoff.

Kumayod si Davis ng 29 points at 12 rebounds habang 16 puntos, 15 boards at siyam na assists ang hinarurot ni James para ilapit ang Lakers sa pagsampa sa Western Conference finals.

Hawak ng Lakers ang 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Humugot ng lakas ang Lakers sa second quarter upang ilista ang 16-point lead, 57-41, sa halftime.

Bumalikwas ang Rockets sa fourth quarter nang ibaba sa lima ang hinahabol, 105-100, may 58 segundo na lang sa orasan.

Subalit isang malupit na assist ni James kay Alex Caruso sa bandang gilid at ipinukol ang panelyong tres, 108-100, may 34 segundo na lang sa payoff period.

Namunod sa opensa para sa Houston si Russell Westbrook na kumana ng 29 points habang 21 ang inambag ni James Harden. (Elech Dawa)

The post Rockets kinapos kina Davis, LeBron first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *