Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round

Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round

MAS maiinit na paluan ang inaasahan sa pagsisimula ngayong Miyerkoles, ng second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

The post Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round appeared first on Abante News Online.

robles lady bulldogs totodo sa 2nd round - Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round
NU 2 - Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round

Standings W L
Ateneo 6 1
DLSU 5 2
UST 5 2
FEU 4 3
UP 4 3
NU 2 5
Adamson 1 6
UE 1 6

Mga laro sa Miyerkoles, Marso 20:
(FilOil Flying V Centre/ San Juan)
2:00pm – UE vs NU
4:00pm – Ateneo vs UST

MAS maiinit na paluan ang inaasahan sa pagsisimula ngayong Miyerkoles, ng second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Unang magkakasukatan ang University of the East Lady Warriors at ang National University Lady Bulldogs bandang alas-2:00 nang hapon, kasunod ang upakang Ateneo de Manila University Lady Eagles at University of Sto. Tomas Golden Tigresses sa main game sa alas-4:00 nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nadagit ang Lady Bulldogs noong Marso 16 ng Lady Eagles 25-23, 25-17, 25-23, 25-17 upang malasap ang ikalimang kabiguan sa pitong laban.

Bagama’t natalo, kumpiyansa si Princess Robles na babangon sa se­cond round ang Lady Bulldogs.

“Naniniwala po ako na kaya namin. Kasi lahat po kami, palaban talaga. Champion team kami nung high school at nandoon pa rin ‘yung pride namin lumaban para sa school,” saad ni Robles, humataw ng 18 puntos sa laban sa Lady Eagles.

Samantala, mailap pa rin para sa Lady Warriors ang tagumpay nang muling matalo ang mga ito noong Marso 17 laban sa UST Golden Tigresses 18-25, 14-25, 20-25.

Tanging si Judith Abil lamang ang nakasampa sa double digit sa kinulektang 15 points.

The post Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *