Robie nagbabala sa mga manloloko

BINALAAN ni lady gaffer Robie Panis ang mga scammer dahil sa patuloy na panloloko sa mga customer ng FireBird Gamefarm.

robie nagbabala sa mga manloloko - Robie nagbabala sa mga manloloko
abante robie - Robie nagbabala sa mga manloloko

BINALAAN ni lady gaffer Robie Panis ang mga scammer dahil sa patuloy na panloloko sa mga customer ng FireBird Gamefarm.

Ayon kay Robie, ipinaalam na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Crime Division ang kanilang problema sa mga manloloko.

Sabi pa ni Robie na nagngangalang Rosario Dela Pena ang kumukuha ng pera sa kanilang mga customer.

“Itong si Miss Dela Pena ay taga-Bulacan, may picture na rin kami at address kung saan niya pini-pick up ‘yung pera kaya hinhintay na lang namin ‘yung imbestigasyon ng NBI,” saad ni Robie sa kanyang interview sa Abante radyo Tabloidista “Usapang Ruweda” na mapapanood tuwing Linggo 1-2pm.

“Habang tumatagal kasi the more na mas marami silang maloloko kaya eager akong mahuli na sila dahil nakakaawa naman po ang mga sabungerong gusto makakuha ng magandang materyales sa pagbi-breed nila.”

Samantala, nagbigay din ng pahayag si Robie sa mga sabungero na huwag nang magtupada o mag-hackfigt. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *