Resbak ni Adebayo kulang: LeBron, Davis, LA lumapit sa korona

GOOD news sa Miami na nakabalik na ang isa nilang injured star, si Bam Adebayo.

The post Resbak ni Adebayo kulang: LeBron, Davis, LA lumapit sa korona first appeared on Abante.

resbak ni adebayo kulang lebron davis la lumapit sa korona - Resbak ni Adebayo kulang: LeBron, Davis, LA lumapit sa korona
abante lakers 2 1 - Resbak ni Adebayo kulang: LeBron, Davis, LA lumapit sa korona

GOOD news sa Miami na nakabalik na ang isa nilang injured star, si Bam Adebayo.

Bad news sa Heat, namemeligro na silang mabiktima sa NBA Finals.

Kumapit sa dulo ang Los Angeles para ipreserba ang 102-96 win at 3-1 lead sa series.

Pagkatapos masilat sa Game 3, puro na ang Lakers at puwede nang tapusin ang isang dekadang paghihintay ng pang-17 na titulo sa Game 5 bukas.

Nagbaon si Rajon Rondo ng driving layup habang paubos ang shotclock, sinundan ng 3 ni Anthony Davis sa tuktok para ilayo sa 100-91 ang LA 39 seconds na lang.

Sa huling kikig ng Heat, binutata pa ni Davis ang drive ni Jimmy Butler.

“It felt like a finals game, felt like both teams are desperate,” bulalas ni LeBron James pagkatapos.

Nambulabog sa magkabilang dulo ng court si James tungo sa 28 points, 12 rebounds at 8 assists. Tumapos ng 22 markers, 9 boards at 4 feeds si Davis.

Tumapos ng double digits sa scoring ang starters ng LA maliban kay Dwight Howard na bokya sa 8 minutes.

Ang insurance basket na ‘yun lang ang puntos ni Rondo, pero nagbaba ng 7 rebounds at may 5 assists.

Pininturahan ni Butler ang box score ng 22 points, 10 rebounds at 9 assists, nag-ambag ng 15 markers at 7 boards si Adebayo mula neck strain.

May 21 points pa si Tyler Herro at 17 kay Duncan Robinson para sa Miami.

Kuwestiyonable pa rin si Heat guard Goran Dragic sa Game 5. (VE)

The post Resbak ni Adebayo kulang: LeBron, Davis, LA lumapit sa korona first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *