Rekord ni Lydia, giba kay Knott

BURADO na ang natitirang 33-year old individual women’s sprint record na 11.28 segundo nang maalamat na si Lydia De Vega-Mercado.

The post Rekord ni Lydia, giba kay Knott first appeared on Abante.

rekord ni lydia giba kay knott - Rekord ni Lydia, giba kay Knott
Lydia - Rekord ni Lydia, giba kay Knott

BURADO na ang natitirang 33-year old individual women’s sprint record na 11.28 segundo nang maalamat na si Lydia De Vega-Mercado.

Ito’y matapos na magwagi ang Fil-Heritage na si Kristina Knott ng medalyang pilak sa mas mabilis na marka ni Lydia sa 100m event sa Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, United States nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas).

Pumoste ang 30th Southeast Asian Games PH 2019 doublle gold medal winner, 24-anyos na estudyante sa University of Miami ng 11.27 secs. para pumangalawa kay Kayla White ng USA na may 11.18 para gold. Si Olympian American Tianna Bartoletta ang nag-bronze sa 11.41.

Isa si Knott sa mga Olympic hopeful ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na nilipat na Hulyo 2021 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Ipinaliwanag ni PATAFA president Philip Ella Juico na agad nilang hihingiin ang technical report sa organizer ng torneo bago kumpirmahin kung maikukunsidera at tuluyang ideklara bagong national record ang clocking ni Knott. (Lito Oredo)

The post Rekord ni Lydia, giba kay Knott first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *