Real Gold, Top horse sa kita

NAGLABAS ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng prog­rama ng karera ng mga kabayong may pinakamalaking kinita mula nitong Enero hanggang Hunyo 2019.

real gold top horse sa kita - Real Gold, Top horse sa kita
race 9 - Real Gold, Top horse sa kita

NAGLABAS ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng prog­rama ng karera ng mga kabayong may pinakamalaking kinita mula nitong Enero hanggang Hunyo 2019.

Lumabas na si 1st at 3rd Leg Triple Crown series king Real Gold ang namamayagpag.

Kahit ‘di nakasaad kung magkano lahat ang napanalunan ng pag-aari ng C & H Enterprises ay posibleng ilabas ito sa susunod na buwan kapag nakuwenta na lahat.

Pinakamalaking napanalunan ni Real Gold ang 1st leg dahil humamig siya ng P1.8M nitong Mayo, ‘di pa kasama ang isa pang P1.8M sa third leg ng TC.
Nasa second place ang second leg triple crown ruler Boss Emong na pag-aari ni Edward Diokno.

Ang mga nasa Top 10 horses base sa kanilang kinita ay ang Jayz (SC Stockfarm INC.), My Jopay (Villasenor MV), Pangalusian Island, (Tan WT), Senor Lucas, (EV Diokno), Toy For The Big Boy, (Santos AR). My Shelltex, (Tan AV), Certain To Win, (BU Tecson) at Princess Eowyn, (EV Diokno). (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *