Ravena kulong sa ‘Calambubble’

Pumasok na si Kiefer Isaac Ravena bilang kauna-unahang player sa Gilas Pilipinas bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City.

The post Ravena kulong sa ‘Calambubble’ first appeared on Abante.

ravena kulong sa calambubble - Ravena kulong sa ‘Calambubble’
abante ravena 6 - Ravena kulong sa ‘Calambubble’

Pumasok na si Kiefer Isaac Ravena bilang kauna-unahang player sa Gilas Pilipinas bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City.

Sa Instagram story ng Philippine Basketball Association (PBA) star nitong Linggo, pinakita ng NLEX point guard ang kanyang pagdating sa lugar na bahagi ng National University-Laguna campus kung saan mag-eensayo ang national men’s hoops team.

Sa ngayon, hindi pa nilalabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBP) ang kumpletong pool kung saan inaasahan ang muling pagsali ng mga pro player na galing sa 45th PBA 2020 Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble.

Naging all-Cadet ang Pinoy quintet sa second window ng 2021 International Basketball Association (Fiba) Asia Cup qualifiers nitong November sa Manama, Bahrain kung saan dalawang beses pinaliguan ang all-pro Tahiland para sa 3-0 win-loss mark.

Sa Pebrero 18-11 third & final window sa Angeles, Pampanga uli, isang panalo na lang ang kailangan ng Gilas sa tatlong laro kontra South Korea, dalawang beses) at Indonesia upang makasulong sa 30th Fiba Asia Cup 2021 sa August 16-28 sa Jakarta.

Pinulbos din ng mga Pinoy ang Indonesians sa first window noong February 23, 100-70, kasunod ang pagwalis sa Thais Nov. 27 at 30, 93-61 at 93-69. (Raymark Patriarca/Janiel ASbby Toralba)

The post Ravena kulong sa ‘Calambubble’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *