Raptors nawala sa sarili – Nurse

SIMULA pa lang nang laban ay dinomina na ng Boston Celtics ang defending champion Toronto Raptors.

The post Raptors nawala sa sarili – Nurse first appeared on Abante.

raptors nawala sa sarili nurse - Raptors nawala sa sarili – Nurse
abante nick nurse - Raptors nawala sa sarili – Nurse

SIMULA pa lang nang laban ay dinomina na ng Boston Celtics ang defending champion Toronto Raptors.

Hanggang sa dulo ay hindi na pinaporma ng Celtics ang Raptors kaya magaan nilang nasilo ang 112-94 panalo sa Game 1 ng 2019-2020 NBA second round playoffS.

Nagtala sina Jayson Tatum at Marcus Smart ng tig-21 points habang may double-duble na 18 puntos at 10 assists si Kemba Walker para sa Boston na abante ng 1-0 serye sa kanilang best-of-seven match.

Hirap ang Raptors sa kanilang opensa kaya naman first quarter pa lang ay naghabol na sila ng 16 na puntos, 23-39.

“Obviously we’re not ourselves,” malungkot na sabi ni Toronto head coach Nick Nurse. ”

Isa si Paskal Siakam sa nangamote sa Raptors matapos magtala lamang ng 13 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists.

“It was tough but it was all part of a bad rhythm,” ani Nurse.

Namuno sa opensa para sa Raptors si Kyle Lowry na nagtala ng 17 markers walong assists at anim na boards. (Elech Dawa)

The post Raptors nawala sa sarili – Nurse first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *