Raptors, Lowry OK sa $31M extension

ITINALI ng Toronto Raptors si Kyle Lowry sa $31 million, one-year extension kaya asahang hanggang 2020-21 pa siya sa kuwadra ng NBA champions.

raptors lowry ok sa 31m extension - Raptors, Lowry OK sa $31M extension
kyle 2 - Raptors, Lowry OK sa $31M extension

ITINALI ng Toronto Raptors si Kyle Lowry sa $31 million, one-year extension kaya asahang hanggang 2020-21 pa siya sa kuwadra ng NBA champions.

Kinumpirma ni agent Mark Barterlstein ang kasunduan na unang inireport ng ESPN.

Matagal-tagal na ring pinag-uusapan ng kampo ni Lowry at ng Raptors ang contract extension.

Papasok na ang star guard sa final year ng kanyang $100 million, three-year deal, pero sigurado nang absent sa free agency sa susunod na July.

Nasa pang-14 na NBA season na si Lowry, pang-walo sa Raptors. Siya na ang pinakamatagal na player sa roster.

Noong nakaraang season, nag-average si Lowry ng 14.2 points at career-best 8.7 assists, at instrumento rin sa unang NBA title ng Toronto. All-Star siya sa nakalipas na limang taon.

Nabanggit noon ni Lowry na mas lalo lang siyang natakam nang matikman ang unang titulo, gusto niya pang dagdagan.

“I’m motivated even more than ever now,” aniya. “When you get a taste of it, you always want it.”

Nitong offseason, sumailalim sa thumb surgery si Lowry at hindi maglalaro sa preseason games kabilang ang naka-iskedyul sa Japan kontra Houston.

Sa Oct. 22, tatanggapin ng Raptors ang kanilang championship rings bago harapin ang New Orleans sa opener. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *