Ramirez umaasang matatapos na ang mga SEA Games venue

Ramirez umaasang matatapos na ang mga SEA Games venue

UMAASA si Team Pilipinas chef de mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na maaasikaso ng Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) ang bawat isyu ng mga kasaling sports bago magsimula ang torneo sa Nobyembre 30.

The post Ramirez umaasang matatapos na ang mga SEA Games venue appeared first on Abante News Online.

ramirez umaasang matatapos na ang mga sea games venue - Ramirez umaasang matatapos na ang mga SEA Games venue
poc 1 - Ramirez umaasang matatapos na ang mga SEA Games venue

UMAASA si Team Pilipinas chef de mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na maaasikaso ng Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) ang bawat isyu ng mga kasaling sports bago magsimula ang torneo sa Nobyembre 30.

Halos apat na buwan na lamang bago ang 30th Southeast Asian (SEA) Games subalit lumalabas na marami pa sa kabuuang 44 na pasilidad ang bahagya pa lamang nasisimulan.

Ito ang lumutang sa ginanap na ikalawang Chef de Mission Assessment and Consultative Meeting na ginanap noong Huwebes sa Philippine International Convention Center (PICC) kung saan nagpulong muli ang lahat ng mga pangulo at opisyales ng paglalabanan na kabuuang kasaling 56 sports sa multi-sports na competition.

Isa ang Philippine National Shooting­ Association (PNSA) na patuloy na problemado sa kanilang paggaganapan ng aktuwal na kompetisyon at lugar para sa pag-eensayo ng mga kasaling atleta mula sa 11 mi­yembrong bansa.

Kasalukuyan pa rin na ginagawa ang lugar para sa bagong sali na sports na Skateboarding­ gayundin ang iba pang mga paglalabanan na lugar sa Subic, Clark, Tarlac City at ang mga magkakalayo-layong gagamiting pasilidad sa Metro Manila na Rizal Memorial Sports Complex, PhilSports Arena, MOA at Makati Coliseum.

Muli naman ipinagmalaki ang halos makukumpleto nang pasilidad para sa athletics at aquatics stadium sa New Clark City na inaasahang makukumpleto sa kalagitnaan ng Agosto. Maliban sa dalawang pangunahing sports na nasa Tarlac, isasagawa naman ang iba pa sa loob ng dating base military na Subic at Clark. (Lito Oredo)

The post Ramirez umaasang matatapos na ang mga SEA Games venue appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *