Ramirez kumpiyansa sa kakayahan ni Diaz

NANINIWALA si Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez na maganda ang magiging performance ni Hidilyn Diaz sa 30th Southeast Asian Games at sa mga lalahukang Olympic Qualifying Tournament.

ramirez kumpiyansa sa kakayahan ni diaz - Ramirez kumpiyansa sa kakayahan ni Diaz
hidilyn 3 - Ramirez kumpiyansa sa kakayahan ni Diaz

NANINIWALA si Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez na maganda ang magiging performance ni Hidilyn Diaz sa 30th Southeast Asian Games at sa mga lalahukang Olympic Qualifying Tournament.

“She will make it,” kompiyansang sabi ni Team Philippines Chef de Mission Ramirez.

Nakaraan lamang ay nagwagi si 28-year-old Diaz ng double-bronze sa IWF World Weightlifting Championships.

Sinilo ni Diaz ang tanso sa 55kgs. division matapos iangat ang combined weight na 214kgs. at makuha ang clean and jerk categories sa nasabing tournament.

Kailangan pa ni Diaz ng dalawa pang competition para sementuhan ang kanyang slot sa Tokyo Olympics.

Binati ni Ramirez sina three-time Olympian Diaz, Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella at ibang national weightlifting team na lumahok sa Pattaya, Thailand mula September 18-27.

Ayon kay Ramirez, ang bronze medal win ni Diaz ay Gold sa kanya.

“Para sa akin, gold medal iyon,” ani Ramirez na positibong mananalo ng medalya si Hidilyn 30th Southeast Asian Games.

“I would like to thank the PSC and other sponsors for their continuous support to my campaign. Now, I will continue on my mission to qualify and win gold in Tokyo, and also represent the country for the SEA Games,” hayag ni Diaz na nakatuon sa kanyang unang gold medal finish sa SEA Games sa November.

Sinigurado ni Ramirez kay Diaz na suportado ng sports agency ang kanyang tatlong qualifying competition. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *