Radio Gaga nambulaga

BINULAGA ng kabayong si Radio Gaga ang liyamadong si Lucky Savings matapos manalo sa ‘2020 Philracom Road to Triple Crown’ stakes race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Radio Gaga nambulaga first appeared on Abante.

radio gaga nambulaga - Radio Gaga nambulaga
Karera 4 - Radio Gaga nambulaga

BINULAGA ng kabayong si Radio Gaga ang liyamadong si Lucky Savings matapos manalo sa ‘2020 Philracom Road to Triple Crown’ stakes race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sakay si Clas A rider RG Fernandez, tinawid ni Radio Gaga ang meta sa oras na 1:37.4 minuto sa distansiyang 1,500 metro.

Nasikwat ng owner ni Radio Gaga ang premyong P300,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Dumating na segundo ang top favorite na si Lucky Savings, nakuntento ito sa P112,500 premyo habang inuwi ng may-ari ng third at fourth placer na sina Prettiest Star at Noon Bell ang P62,500 at P25,000 premyo, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nagpakitang gilas din sa Philracom ‘3-Year-Old Maiden’ race si Cartierruo.

Kinubra ng owner ni Cartierruo ang tumataginting na P720,000 matapos tawirin ang meta at ilista ang 1:36.4 minuto sa parehong distansiya. (Elech Dawa)

The post Radio Gaga nambulaga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *